Iniulat ng Philippine National Police (PNP) na apat ang kumpirmadong nasawi at 12 ang nasugatan habang isinasagawa ang Eleksyon 2025.
Dalawa sa mga namatay ay sangkot sa pamamaril sa Bangsamoro region, kabilang ang isang kandidato sa pagka-konsehal at kapatid ng isang barangay chairman.
Ang iba pang dalawa ay nasawi sa isang insidente sa Negros Island Region, kung saan walo rin ang nasugatan.
Kabuuang 12 insidente ang naitala sa Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Davao Region, BARMM, Negros Island Region, Metro Manila, at Cordillera — kabilang ang barilan, engkuwentro, aberya sa vote counting machine, nakawan, at sunog.
Sa kabila nito, iginiit ni PNP Chief Gen. Rommel Marbil na “generally peaceful” ang halalan sa kabuuan ng bansa maliban sa ilang insidente sa Mindanao.