
Nasawi ang apat na katao habang 84 naman ang sugatan matapos ang isang malakas na pagsabog na naganap sa isang steel factory sa North China.
Anim na katao ang patuloy pa ring pinaghahanap matapos ang insidente.
Nangyari ang pagsabog bandang alas-3:00 ng hapon noong Linggo (07:00 GMT) sa Baogang United Steel plant sa Inner Mongolia.
Ayon sa mga ulat, ramdam ang pagyanig sa mga kalapit na lugar dahil sa lakas ng pagsabog.
Makikita sa mga kumalat na video online ang makapal na usok na umakyat sa himpapawid matapos ang insidente.
Nagkalat naman sa paligid ng pabrika ang mga debris tulad ng gumuhong kisame at mga tubo.
Ilang bahagi ng gusali ang tuluyang bumagsak dahil sa lakas ng pagsabog.
Sa mga dinala sa ospital, lima ang nasa malubhang kondisyon.
Patuloy pa ring iniimbestigahan ng mga awtoridad ang sanhi ng pagsabog.










