TUGUEGARAO CITY-Muling nakapagtala ng bagong kaso ng covid-19 mula sa hanay ng pulisya sa lungsod ng Tuguegarao na nakasalamuha ni CV 530 ngayong Araw ng Linggo, Agosto 23, 2020.

Positibo sa virus si CV 601, 34-anyos, lalake, may-asawa at residente ng Brgy. Redondo, Iguig, Cagayan, walang travel history pero may exposure kay CV 530 at ngayon ay naka-confine sa CVMC habang nakakaranas ng lagnat, ubo, sipon at sorethroat.

Si CV 601 ay ang pang-apat na miyembro ng PNP Tuguegarao na nahawa kay CV530 na isang Non Uniformed Personnel na pawang walang travel history kung kaya’t ikinokonsiderang local transmission.

Kahapon, Agosto 22,2020, nagpositibo sa Covid-19 ang tatlong miembro ng pulisya na nakasalamuha rin ni CV 530 na sina CV587 ng Brgy. Dadda; CV588 ng Cityhomes, San Gabriel at CV597 ng Brgy. Libag, Tuguegarao City.

Nabatid na 23 miyembro ng Tuguegarao City Police Station ay sumailalim sa swab test matapos isailalim sa lockdown ang PNP Station sa Brgy. Carig kung saan 13 na ang nagnegatibo sa swab test at ang iba ay naka- isolate habang hinihintay ang resulta ng kanilang swab test.

-- ADVERTISEMENT --

Sa ngayon ay 18 ang aktibong kaso ng Covid-19 sa lungsod at karamihan dito ay local transmission na nahawa sa mag-asawang sina CV530 at CV531.

Kaugnay nito, iminungkahi ni Cagayan Governor Manuel Mamba sa pamunuan ng City Government ng Tuguegarao na isailalim sa Enhanced Community Quarantine o ECQ ang siyudad sa loob ng dalawa o tatlong lingo para mapigilan ang nakakabahalang community transmission.