Huli ang limang katao, habang apat naman ang nakatakas sa sunod-sunod na operasyon kontra iligal na sugal sa bayan ng Tuao habang umiiral ang general community quarantine.

Batay sa ulat ng pulisya, apat sa mga suspek ang beneficiary ng Social Amelioration Program (SAP) ng gubyerno na naaktuhang naglalaro ng ‘tong-its’ at ‘pepito’ sa bahay ni Gaspar Tulauan ng Barangay Lallayug.

Kinilala ang mga naaresto na sina Encarnacion Narag, 56-anyos at SAP receipient; Nieves Baccay, 58-anyos; Gina Guarde, 48-anyos; Lina Saludares, 49 anyos, pawang mga residente ng Brgy. Lallayug at Mirna Daracan, 53-anyos ng Brgy Centro 1.

Nakilala naman ang mga nakatakas na suspek na sina Jomar Basiuang, Gilmer Aguilan, Erick Narag, na pawang mga SAP receipient at isang Jenny Soriano.

Nakumpiska mula sa suspek ang dalawang set ng baraha na ginamit sa paglalaro pati na rin ang bet money na P740.

-- ADVERTISEMENT --

Kasong paglabag sa PD 1602 dahil sa pagsusugal ang kahaharapin ng mga naarestong suspek.