Patay ang nasa 40 katao matapos na masunog ang kanilang sinasakyang bangka sa baybayin ng Haiti.
Ayon sa International Organization for Migration (IOM), umalis ang bangka sa Haiti noong Miyerkules lulan ang 80 migrants at patungo sana sa Turks at Caicos nang ito ay masunog.
Sinabi ng IOM na 41 survivors ang nailigtas ng Coast Guard ng Haiti.
Sinisi naman ng chief de mission ng IOM sa Haiti ang trahedya sa lumalalang security crisis sa bansa at ang kawalan ng ligtas at ligal na pathways para sa migration.
Nahaharap ang Haiti sa problema sa gang violence, bumabagsak na health system at kakulangan sa access sa essential supplies.
Nagreresulta ito sa paglikas ng maraming Haitians palabas ng bansa.
Subalit, patuloy ang repatriation ng mga kalapit na bansa sa libu-libong Haitian migrants.
Mahigit sa 86, 000 migrants ang sapilitang pinabalik sa Haiti ng mga kalapit na bansa ngayong taon.