![](https://img.bomboradyo.com/tuguegarao/2023/07/ctg-surrenders.jpg)
TUGUEGARAO CITY-Nagbalik-loob sa pamahalaan ang 40 na mga miyembro at supporters ng Communist Terrorist Group Sta. Teresita, Cagayan.
Kaugnay nito ay pinuri ni Sta. Teresita Mayor Rodrigo De Gracia ang naging desisyon ng mga miyembro at supporters ng mga New People’s Army na malaking tulong sa pag-unlad ng kanilang bayan at ng buong lalawigan ng Cagayan.
Kinilala rin ng alkalde ang pagsisikap ng AFP, PNP at iba pang ahensiya ng pamahalaan upang mawakasan ang banta ng insurhensiya.
Nangako ang alkalde na magbibigay ito ng lupang patatayuan ng bahay ng mga sumuko.
Kasabay ng boluntaryong pagsuko ay sinunog ng nila ang bandila ng CPP-NPA-NDF kasunod ng pagmartiya bitbit ang mga plakang may nakasulat na pagkondena sa CTG.
Nagkaroon din sila ng panunumpa bilang tanda ng pagtalikod sa NPA at pagsuporta sa gobyerno kasama ang pagpirma sa wall of committment na tanda ng pagiging tapat sa gobyerno at pagtulong na mawakasan ang banta ng insurhensiya.
Isinuko rin nila ang ibat ibang mga armas at mga bala habang ipinakita rin ng mga otoridad ang iba’t-iba pang gamit pandigma na narecover katulad na lamang ng mga improvised expolosive devices, mga subersibong dokumento at iba pa.