Iniimbestigahan ngayon ng Land Transportation Office (LTO) ang 40 nitong district office dahil sa pagproseso ng Transfer of Ownership ng mga sasakyan na nakumpiska sa mga ikinasang police operation.

Pinagpapaliwanag ni LTO Chief Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II ang mga district head hinggil sa nakumpirmang intelligence reports ng illegal ownership transfer ng mga motor vehicle na una nang inilarawan ng Philippine National Police (PNP) na technical carnapping.

Natuklasan sa isang coordination meeting na may ilang LTO district offices ang sangkot sa Unauthorized Processing of Cancellation of Transfer of Ownership at duplication of Certificates of Registration.

Sa ilalim ng modus, ang mga narekober na sasakyan ay ilegal na ililipat sa bagong nagmamay-ari sa pamamagitan ng bagong duplicate Certificates of Registration (COR) at iba pang documentation upang mapalitaw na valid ang transfer of ownership.

Naiparating na rin aniya nila kay Department of Transportation (DOTr) Secretary Vince Dizon ang nabistong modus at agad niyan ipinag-utos na makasuhan ang mga sangkot.

-- ADVERTISEMENT --

Maglalabas na rin ng show cause order ang LTO sa mga sangkot na may ari upang pagpaliwanagin