TUGUEGARAO CITY- Nadagdagan ng panibagong 40 ang bagong kaso ng Delta Variant sa rehiyon.
Batay sa inilabas na datos ng DOH Region 2, lima sa nasabing bilang ang mula sa Cagayan kung saan dalawa ang galing ng PeƱablanca at tatlo naman sa Tuguegarao, sa probinsya ng Quirino ay anim ang mula sa Diffun, apat sa Maddela , dalawa sa Saguday at isang naman sa bayan ng Bambang sa Nueva vIzcaya.
Ayon sa ahensya, lahat ng mga nagpositibo ay pawang mga local cases na fully recovered na mula sa virus.