Iniulat ng World Health Organization (WHO) ang malawakang epekto ng paggamit ng alak sa buong mundo, kasabay ng natuklasang 7% ng kabuuang populasyon na mayroong alcohol use disorder.

Ang pitong porsyento ay katumbas ng 400 million katao. 209 million dito o 50% ay nabubuhay na dependent o nakadepende na sa pag-inom ng alak.

Babala ng WHO, ang tuloy-tuloy na pag-inum ng alak ay malaking banta sa kalusugan, kasama na ang pagpapalala sa mga sakit.

Mula sa mahigit 200 million na kataong may alcohol dependence, 3.7% sa kanila ay mga matatanda.

Sa Pilipinas, iniulat ng Institute for Health Metrics and Evaluation noong 2019 na mayroong 39,802 Filipinos ang namatay dahil sa iba’t ibang kadahilanan na may kinalaman sa alcohol consumption.

-- ADVERTISEMENT --

Kada taon, gumagastos din umano ang Pilipinas ng P200 billion para gamutin ang mga alcohol-related illness at tugunan ang mga krimen na may kaugnayan sa inuman, kasama na ang burial expenses.