ctto

TUGUEGARAO CITY-Kasalukuyan nang isinasagawa ng pamahalaang panlalawigan ng Cagayan ang assessment ukol sa pinsala na dulot ng pagbaha na nararanasan partikular sa walong bayan sa probinsiya ng Cagayan.

Ayon kay Cagayan Governor Manuel Mamba, pinag-aaralan na ng kanyang tanggapan kung maaring magdeklara ng State of Calamity ang buong probinisya.

Ito ay kasanod na rin sa pagdeklara ng State of calamity sa bayan ng Allacapan at Claveria na labis na nakakaranas ng pagbaha at landslide.

Sa ngayon aniya ay nasa 4,000 pamilya na binubuo ng 10,000 katao ang nasa 48 evacuation center mula sa walong bayan na kinabibilangan ng Claveria, Sanchez Mira, Pamplona, Ballesteros,Baggao, Lasam, Camalanuigan at Allacapan.

Kaugnay nito, sinabi ni mamba na pangunahing tinututukan ng kanyang opisina ang pagbibigay ng food packs katuwang ang PNP, Militar at mga iba’t-ibang ahensiya ng gobyerno sa mga apektadong residente.

-- ADVERTISEMENT --

Samantala, sinabi ni Mamba na apat na ang kumpirmadong patay sa probinsiya dahil sa pagbaha at landslide na nararanasan.

Aniya, dalawa ang naitala sa bayan ng Claveria kung saan nalunod ang isang bata habang natabunan naman ang isa pa , isang lalaki ang nalunod sa bayan ng Peñablanca at isa pang bata ang namatay matapos makuryente sa bayan naman ng Aparri.

Hinimok naman ni Mamba ang mga Brgy officials maging ang mga residente na magtulungan sa oras ng kalamidad tulad ng nararanasan ng probinisya sa ngayon para maiwasan ang pagkakaroon ng casualty o pagkamatay.