Nasawi ang isang 43-anyos na lalaki matapos tumaob ang sinasakyan nilang trak at maipit siya sa ilalim nito sa Barangay Muñoz, Siayan, Zamboanga del Norte.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, patungong Salug ang trak mula Cagayan de Oro at may kargang mga bote ng soft drinks.

Habang binabaybay ang kalsada, bigla umanong pumutok ang isa sa mga unahang gulong ng trak.

Nawalan ng kontrol ang driver at nagsimulang tumaob ang sasakyan.

Sa takot, tumalon ang pahinante mula sa likuran ng trak, ngunit siya ay naabutan ng pagbagsak ng sasakyan at naipit.

-- ADVERTISEMENT --

Naka-survive naman ang 30-anyos na driver ng trak.

Ayon kay PCMS Ranfil Montañez ng Siayan PNP, sabay ang pagtalon ng pahinante at pagtaob ng trak kaya siya nadaganan.

Nakipag-ugnayan na raw ang may-ari ng trak sa pamilya ng biktima