Umaasa ang 44 percent ng adult Filipinos na gaganda ang kanilang buhay sa susunod na taon, batay sa survey na isinagawa ng Social Weather Stations noong Nobyembre.

Pakiramdam naman ng 38 percent ng respondents na pareho lang ang kalidad ng kanilang buhay sa 2026, habang 8 percent ang nagsabi na mas lalo silang magiging mahirap.

Ito ay nagresulta sa net personal optimism na +36, na itinuring ng SWS na very high, at hindi malayo sa +35 percent na very high score noong Setyembre.

Isinagawa ang survey sa buong bansa na face-to-face mula November 24 hanggang 30 sa 1,200 adults edad 18 at pataas.