Nasa apat mula sa 10 Pilipino ang umaasa na gaganda ang kanilang buhay sa susunod na 12 buwan.

Ito ay batay sa pinakahuling survey na isinagawa ng Social Weather Stations (SWS).

Batay sa resulta ng survey na isinagawa mula March 21 hanggang 25, 44 percent ng respondents ang umaasa na gaganda ang kalidad ng kanilang buhat.

Seven percent naman ang nagsabi na lalong lalala ang kanilang sitwasyon, mas mataas sa five percent, habang 44 percent ang nagsabi na walang magbabago sa kanilang sitwasyon.

Ang 2024 first quarter social weather report ay may 1, 500 adult respondents at may margin error na +/- 2.5 percent para sa national percentages.

-- ADVERTISEMENT --