TUGEUGARAO CITY-Umaabot sa 44 na kilo ng karne ng baboy na walang kaukulang dokumento ang nakumpiska ng PNP-Sta Mateo sa Isabela na mula sa Plaridel, Bulacan.
Ayon kay Roberto Busania ng Department of Agriculture(DA)-Region 2, agad na ibinaon ang mga nasabing karne bagamat hindi naman tiyak kung apektado ito ng African Swine Fever (ASF).
Samantala, nag-isyu na umano ng Executive Order 87 o ang total ban sa pagpasok ng mga alagang baboy maging ang karne nito probinsiya ng Nueva Vizcaya.
Sinabi ni Busania na layon nitong masiguro na walang makakapasok na alagang baboy at karne nito na apektado ng ASF.
Dalawang checkpoint naman ang kanilang inilatag,isa sa Sta fe at isa din sa Kayapa.
Maging sa probinsiya ng Quirino ay naglatag din ng checkpoint at executive order na naglalayong huwag papapasukin ang mga alagang baboy na walang kaukulang dokumento.
Samantala, dito sa probinsiya ng Cagayan mahigpit din ang nakalatag na ang checkpoint sa bayan ng Sta Praxedes.