Ganap nang mag-asawa ang 45 magkasintahan sa isinagawang 23rd civil mass wedding sa bayan ng Baggao.

Kasabay ng pagdiriwang sa Civil Registration Month, pinangunahan ni Mayor Joan Dunuan ang seremonya ng kasalan na sinaksihan ng mga kawani ng Philippine Statistics Authority (PSA) na ginanap sa munispiyo.

Ayon kay Dunuan, karamihan sa mga bagong ikinasal ay matagal nang nagsasama subalit wala pang dokumento o hindi pa kasal dahil sa problema sa gastuhin.

Galing sa ibat-ibang barangay ang mga pares na nakibahagi sa civil mass wedding na karamihan ay mga rebel returnees.

Dahil dito, inihayag ni Dunuan na muli siyang magsasagawa ng mass wedding sa darating na buwan ng Hunyo.

-- ADVERTISEMENT --
Tinig ni Baggao Mayor Joan Dunuan

Bago ang seremonya ng kasal ay nagtanim muna sila ng mga puno bilang suporta sa ‘one billion tree project’ ng lokal na pamahalaan ng Baggao.