Posibleng magkaroon ang Ecuador ng 46-year-old na kandidata na kinatawan ng maliit na lugar na Andean sa Miss Universe beauty pageant ngayong taon.

Puntriya ni Yajaira Quizhpi na kinatawan ng Sierra region na makuha ang national title na Miss Universe Ecuador.

Mamayang gabi, 25 contestants ang maglalabanlaban sa finals ng pageant sa Machala sa El Oro province.

Ang mananalo ang magiging kinatawan ng Ecuador sa Miss Universe competition sa Mexico sa Setyembre.

Si Quizhpi ang pinakamatandang babae sa kasaysayan ng Ecuador na sumali sa contest na inorganisa ng Miss Universe franchise.

-- ADVERTISEMENT --

Matatandaan na binago ng Miss Universe organization ang kanilang mga patakaran may kaugnayan sa edad na mga maaaring sumali sa kompetisyon.

Dati ang mga contestants ay dapat edad 18 hanggang 28, subalit ngayong 2024, tinanggal na ang age limit.

Si Quizhpi ay chemical engineer na ipinanganak sa Azogues sa probinsiya ng CaƱar.

Sa kauna-unahang pagkakataon din sa loob ng 70-year-history, pinahintulutan na rin ng franchise ang pagsali ng mga babae na may asawa o hiwalay at mga mga anak o buntis.

Sa 25 contestants para sa Miss Universe sa Ecuador, pito sa kanila ay mga ina, apat ang may asawa habang ang tatlo ay hiwalay asa asawa.