Inaasahang makararanas ng dangerous heat index na 46°C ang Dagupan City, Pangasinan bukas ng Sabado, Abril 5, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Base sa tala ng weather bureau, bukod sa Dagupan City ay inaasahan ding mararanasan ang dangerous heat index na 44°C sa Virac (Synop), Catanduanes at 42°C sa ISU Echague, Isabela.

Paliwanag ng PAGASA, ang heat index ay tumutukoy sa pagsukat kung gaano kainit ang nararamdaman kapag isinasama ang “humidity” sa aktwal na temperatura ng hangin.

Nakasailalim sa danger level ang heat index mula 42°C hanggang 51°C.

Posible sa mga lugar na may dangerous heat index ang “heat cramp” at “heat exhaustion.”

-- ADVERTISEMENT --