TUGUEGARAO CITY-Labis na ikinagalak ni Atty. Tin Antonio,alkalde ng bayan ng Alcala ang dami ng bilang ng nabigyan ng P15,000 bilang pautang ng Department of Agriculture (DA) sa pamamagitan ng Land Bank of the Phils. sa ilalim ng programang Survival and Recovery Program for Rice Farmers o E-SURE ng ahensiya kung saan babayaran ito ng walong taon at walang interest.
Ayon kay Antonio, nasa 471 ang kabuuang bilang ng mga magsasaka ang nakatanggap ng nasabing pautang sa kanyang nasasakupang lugar.
Sinabi ng alkade na ang bayan ng Alacala ang may pinakamaraming bilang ng mga rice farmers na naka-avail sa naturang programa dahil sa pagtulong ng LGU sa pagproseso ng loan ng mga mga rice farmers na miyembro ng kooperatiba.
Aniya, malaking tulong ito para sa mga magsasaka na labis na naapektuhan sa Rice Tarrification Law kung saan nabili ang kanilang mga aning palay ng napakababang halaga.
Natanggap ng mga magsasaka ang nasabing halaga kasabay nang pagbisita ni Agriculture Sec. William Dar.
Samantala, sinabi ni Antonio na kasalukuyan na rin ang ginagawang assessment para sa mga nais magloan na magsasaka sa pamamagitan ng Land Bank of the Philippines.
Ayon kay Antonio na sa 1, 287 ang nag-apply ng Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) at Agricultural Competitiveness Enhancement Fund (ACEF)program.
Aniya, mula sa nasabing bilang nasa 518 ang kasalukuyan ng naaprubahan.
Sinabi ni Antonio na madadagdagan pa ang nasabing bilang dahil kasalukuyan pa lamang ang kanilang ginagawang assessment.