Halos 500 empleyado ng Land Transportation Office (LTO) ang na-promote noong 2024 bilang bahagi ng personnel welfare and career development program na pinasimulan ng LTO chief, Assistant Secretary Atty. Vigor Mendoza II.
Ayon kay Asec Mendoza na ang mga na-promote ay nagmula sa lahat ng rehiyon sa buong bansa, ang pinakamataas na bilang ay sa National Capital Region (NCR) na may 106 na na-promote na empleyado, sinundan ng CALABARZON na may 63 at 48 sa LTO Central Office sa Quezon City.
Sa patnubay at sa tulong ni DOTr Secretary Jaime Bautista, nakipag-usap si Asec Mendoza sa Department of Budget and Management noon pang 2023 upang unti-unting tugunan ang contract of service employment system sa LTO.
Kaugnay nito bilang bahagi ng pagsisikap na tugunan ang problema ay ang pagtatasa at pagsusuri sa lahat ng kontrata ng mga service employees sa LTO gaya ng paninindigan ni Asec Mendoza na sila ang dapat na unahin sa permanenteng trabaho kung sila ay kwalipikado.