Inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na pinag-aaralan ng pamahalaan ang pag-amyenda sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) upang matiyak na maibigay ang mas maayos na serbisyo sa publiko.

Sinabi ni Marcos sa kanyang talumpati sa Kumustahan ng Pamilyang Matatag: Kasama ang Huwarang Pantawid at Unang Pamilya, layunin ng pag-aaral na matugunan nang wasto ang sitwasyon ng mga benepisyaryo.

Ayon sa kanya, sinisiguro na ang ang bawat hakbang ay nakabatay sa masusing pagsusuri upang manatiling matibay at epektibo ang 4Ps para sa lahat ng nangangailangan.

Kasabay nito, sinabi ni Marcos na nasa P36 billion na pondo na unang inilaan para sa flood control projects ang ililipat sa iba’t ibang programa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Kabilang sa mga programa ng DSWD na makakatanggap ng realigned funding ang Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS), Payapa at Masaganang Pamayanan (PAMANA), at Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), at iba pa.

-- ADVERTISEMENT --

Hindi binanggit ni Marcos ang breakdown kung paano ang distribusyon ng nasabing pondo sa mga programa ng DSWD, subalit sinabi niya na ilang pondo ang gagamitin para matulungan ang mga mahihirap sa pagbabayad sa emergency operations, maintainance medicine at iba pang pangangailangan para sa kalusugan.