Umaasa si Deputy Minority Leader France Castro na makakakuha ng momentum ang mga hakbang na nagnanais na mapatalsik sa puwesto si Vice President Sara Duterte, kasabay ng nakatakdang paghahain ng ika-apat na impeachment complaint ngayong araw na ito na may endorso umano ng mayorya ng mga mambabatas sa Kamara.
Sinabi ng ACT Teachers representative, magpupulong ang Makabayan bloc sa Miyerkules kasama ang iba pang impeachment complaint endorsers upang pagkaisahin ang kanilang pagsisikap na matanggal sa puwesto si VP Duterte.
Ayon sa kanya, ang nasabing endorsement ay nagpapakita umano ng pagkadisyama sa performance ni VP Duterte at sa issue ng paggasta ng P6.12 billion na confidential funds ng Office of the Vice President at Department of Education na dati niyang pinamunuan.
Binigyang-diin niya na dapat na magkaroon ng malalimang imbestigasyon sa mga alegasyon at maibigay ang hustisya sa mga mamamayan ng bansa.