Umabot na sa limang bangkay ang natagpuan na pinaniniwalaang mula sa nawawalang barko na MBCA Amejara.

Batay sa ulat, apat sa mga bangkay ang nakita sa Celebes Sea malapit sa Balut Island, samantalang ang tatlo pa ay natuklasan sa layong humigit-kumulang 75 nautical miles mula sa Maasim, Sarangani Province

Kasalukuyang tinututukan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang retrieval ng mga bangkay at nakipag-ugnayan na rin sa Philippine Navy upang tuluyang makuha ang mga ito.

Patuloy naman ang search and rescue operations ng mga awtoridad para sa posibleng mga nakaligtas.

Matatandaang naiulat na nawawala ang MBCA Amejara noong Lunes, Enero 19, habang naglalayag sa Davao Gulf.

-- ADVERTISEMENT --

Batay sa ulat ng PCG noong Huwebes, tatlong crew members at 12 pasahero pa ang nawawala, habang isa lamang na crew member ang kumpirmadong nailigtas.