Cagayan Valley Medical Center

TUGUEGARAO CITY-Isinailalim na sa pangalawang swab test ang limang confirmed cases ng covid-19 na kasalukuyang minomonitor sa Cagayan Valley Medical Center (CVMC).

Ayon kay Glenn Mathew Baggao, Medical Center Chief ng CVMC, kabilang sa isinailalim sa 2nd swab test ang isang confirmed case na mula sa bayan Lal-lo at apat na mula sa Tabuk city, Kalinga na inirefer sa CVMC.

Maging ang apat na suspected cases kabilang ang dalawang taong gulang na bata at isang sanggol ay ipinadala na rin ang kanilang swab test sa DOH-region 2.

Sinabi ni Baggao na anak ng isang confirmed case ang 2 years old na bata habang ang sanggol ay anak naman ng isang suspected case na nagpositibo sa rapid test na mula sa Tabuk City.

Dinala ang nanay ng sanggol sa CVMC na kasalukuyang nagla-labor kung kaya’t isinailalim sa cesarean.

-- ADVERTISEMENT --

Sa ngayon, asymptomatic ang limang confirmed cases maging ang apat na suspected cases ng covid-19.

Tinig ni DR. Glenn Mathew Baggao

Samantala, sinabi ni Baggao na posibleng ngayong buwan ay magiging covid-19 testing center na ang CVMC dahil nasa 80 percent na ang kanilang pagsasaayos para masimulan ang pagtanggap ng specimen para sa swab testing ng covid-19.