Tuguegarao City- Limang mga COVID-19 suspected patients ang naitalang nasawi sa lalawigan ng Kalinga.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Dionica Alyssa Mercado, tagapagsalita ng Kalinga Provincial Government, 4 sa mga nasawi ang nagnegatibo na sa resulta ng COVID-19 swab test.

Sa ngayon ay hinihintay pa ang resulta ng pagsusuri sa isang pasyenteng nasawi.

Ayon kay Mercado, isa sa mga pasyenteng nasawi ay bata habang ang ibang pasyente ay may mga edad na at may sintomas lamang ng pneumonia.

Sinabi pa nito na sa ngayon ay nananatili pa ring COVID-19 Free ang kanilalang lalawigan.

-- ADVERTISEMENT --

Samantala, sa pinakahuling datos ayon sa kanya ay mayroon umanong 36 suspected patients ang minomonitor sa mga pagamutan at naka home quarantine.

Muli ay tiniyak naman ni Mercado ang kahandaan ng kanilang lalawigan upang labanan ang banta ng COVID-19 at mapanatiling COVID-19 free ang kalinga.

Sa ngayon ay nanatili ang mahigpit na pagbabantay sa mga checkpoints at istriktong implimentasyon ng mga alituntunin upang labanan ang naturang sakit.