TUGUEGARAO CITY – Kasalukuyang inoobserbahan sa pagamutan ang limang estudyante matapos sumakit ang tiyan, mahilo at nagtatae matapos kumain umano ng siomai sa bayan ng Baggao, Cagayan

Ayon kay Mayor Joan Dunuan ng Baggao, hindi agad nakauwi ang limang estudyante na miembro ng cheer dance kasama ang kanilang team matapos mag-perform kasabay ng kapistahan ng Baggao dahil sa pag-apaw ng Abusag overflow bridge.

Dahil dito, nagpalipas ng gabi ang team sa Barangay hall ng Barangay Paranan nang lumabas ang limang estudyante para kumain ng soimai sa kalapit na tindahan.

Nagulat na lamang umano ang guro at coach ng lima ng biglang namilipit sa sakit ng tiyan ang isa niyang estudyante na sinundan ng apat.

Agad isinugod sa pagamutan ang lima na hanggang sa ngayon ay patuloy na inoobserbahan dahil nanghihina at patuloy na nagtatae ang mga estudyante.

-- ADVERTISEMENT --

Kaugnay nito ,pansamantalang ipinasara ni mayor Dunuan ang store na pinagbilhan ng mga biktima habang kumuha na ng sample sa kinaing siomai ng mga estudyante para sa imbestigasyon.

Samantala, gagawa pa lamang ng kumpirmasyon si Mayor Dunuan sa unang natanggap ng himpilan ng Bombo radyo tuguegarao na bukod sa limang estudyante ay may iba pang dinala sa ospital dahil sa food poisoning.