Inatasan ng Office of the Ombudsman ang limang government officials na tumugon sa reklamo ng panel on foreign relations sa pangunguna ni Sen. Imee Marcos ukol sa legalidad ng pag-aresto at kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court.
Batay sa kautusang ipinalabas ng Ombudsman nitong Martes, inatasan na maghain ng counter-affidavit para sa administrative at criminal cases sina Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, Interior Secretary Jonvic Remulla, Philippine National Police (PNP) chief Gen. Rommel Marbil, PNP Criminal Investigation and Detection Group chief Nicolas Torre III, Special Envoy for Transnational Crimes Markus Lacanilao.
Matatandaang pormal na isinumite ni Sen. Marcos sa Ombudsman ang ulat ng Senado kaugnay sa pag-aresto kay dating Pangulong Duterte para dalhin sa The Hague, Netherlands.
Ayon sa liham na kalakip ng ulat, ibinunyag ng imbestigasyon ang posibleng mga krimen at administratibong paglabag ng ilang matataas na opisyal ng gobyerno.
Hiniling ni Marcos na sila ay imbestigahan at papanagutin alinsunod sa batas.