Nasawi ang limang Italian nationals matapos ang isang scuba diving accident sa Vaavu Atoll sa Maldives habang nagsasagawa umano ng cave diving expedition.

Ayon sa Italian foreign ministry, sinubukan ng grupo na tuklasin ang mga underwater cave na nasa humigit-kumulang 50 metrong lalim nang mangyari ang trahedya.

Isa pa lamang sa mga bangkay ang narekober ng mga awtoridad habang nagpapatuloy ang search operation para sa apat pang nawawalang diver na pinaniniwalaang nasa loob pa rin ng kuweba.

Kabilang umano sa mga nasawi ang isang marine biology professor, kanyang anak, at dalawang batang researchers mula sa Italy.

Patuloy na iniimbestigahan ng mga awtoridad sa Maldives ang sanhi ng insidente, na itinuturing isa sa pinakamalalang diving accidents sa bansa sa mga nakaraang taon.

-- ADVERTISEMENT --