Iniulat ng Philippine National Police (PNP) na lima na ang kumpirmadong kaso ng vote-buying sa iba’t ibang rehiyon sa bansa habang papalapit ang halalan sa Mayo 12.
Ayon kay PNP Public Information Office chief PCol. Randulf Tuaño, kabilang sa mga naitalang insidente ay ang pamimigay ng grocery items at ayuda tulad ng TUPAD—mga aktibidad na mahigpit na ipinagbabawal sampung araw bago ang eleksyon.
Ang mga insidente ay na-monitor sa Regions I, IV-A, V, XI, at Cordillera Administrative Region. Sa limang kasong ito, 18 katao na ang sinampahan ng kaso kaugnay ng iligal na pagbili o pagbenta ng boto.
Kasama rin sa mga ipinagbabawal na kilos ang pagdadala ng higit P500,000 cash kasabay ng campaign materials, pamimigay ng tulong pinansyal o pagkain, at pagbuo ng pila ng mga botante para sa distribusyon ng anumang bagay kapalit ng boto.