Tuguegarao City- Umabot na sa 169 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Cagaya matapos muling makapagtala ng 5 bagong nagpositibo sa sakit.

Kabilang sa mga naidagdag ay sina CV403, 25 anyos na babaeng OFW sa Saudi, taga-Culung, Tuao, CV404, 26 anyos na lalaking LSI galing ng Sampaloc, Manila mula Enrile at CV408, 36 anyos na lalaking OFW sa Saudi mula PeƱablanca.

Kasama rin sa nagpositibo sa sakit sina CV410, 30 anyos na lalaki Admin assistant ng CVMC mula Gonzaga at si CV412, 69 anyos na lalaki mula Sanchez Mira, Cagayan

Sa ngayon ay nasa 40 ang bilang ng active cases ng COVID-19 sa Cagayan kung saan ay naka isolate na sa mga quarantine facilities.