Tinanggap na ng limang Police Provincial Office sa lambak ng Cagayan ang 36-units ng motorsiklo na mula sa Camp Crame.
Sa naturang bilang, pinakamarami ang natanggap ng Cagayan PPO sa 15-units; sampu sa Isabela PPO; tig-apat sa Nueva Vizcaya at Quirino at tatlo naman sa Batanes.
Nabatid na gagamitin sa pagroronda at mga police operations ang naturang motorsiklo na galing sa Directorate of Logistics ng PNP.
Layon din nitong makatulong sa pinaigting na kampanya ng PNP kontra kriminalidad.
-- ADVERTISEMENT --