Tuguegarao City- Nakapagtala ng 5 kaso ng Persons Under Investigation (PUI) at 216 na Persons Under Monitoring ang COVID-19 Alcala Municipal Task Force.
Ito ay base maigting na monitoring kaugnay sa pagpapatupad ng mga preventive measures laban sa banta ng COVID-19 sa bayan ng Alcala, Cagayan..
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Atty Christine Antonio, Alkalde sa naturang bayan, inihayag nito na 187 mula sa mga PUM ang umuwi galing sa National Capital Region habang ang 29 sa mga ito ay mga OFWs.
Paliwanag ng opisyal, bagamat may limang naitalang kaso ng PUI ay huwag dapat magpanic sa halip ay sundin ang mga ipinatutupad na precautionary measures upang makaiwas sa sakit.
Sa ngayon ay patuloy aniya tinututukan sa pagamutan ang mga PUI habang hinihimok ang mga PUM na sumunod sa mga panuntunan kabilang ang 14 days home quarantine.
Inihayag pa nito na maigting din ang pagsasagawa ng checkpoints sa mga entry and exit points upang mamonitor ang mga pumapasok sa kanilang bayan.
Panawagan naman si Atty. Antonio ang pagtutulungan at ibayong pag-iingat upang makaiwas sa banta ng COVID-19