Naibigay na ang financial assistance mula sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program (ECLIP) ng pamahalaan sa limang sumuko na kasapi ng New People’s Army (NPA) sa probinsiya ng Cagayan.

Ayon kay LT Allen Tubojan, tagapagsalita ng 17th Infantry Batallion Philippine Army na ang 5 kasapi ng NPA na sumuko noong nakaraang taon ay nabigyan ng tig-P65,000 bawat isa.

Ito ay nai-award sa pamamagitan ng Provincial Government ng Cagayan sa pangunguna ni Governor Manuel Mamba bilang programa ng pamahalaan katuwang ang AFP para sa lahat ng mga sumusukong rebelde.

Pinaalalahanan naman ni Tubojan ang lahat ng mga NPA na sumuko na lamang upang matamasa ang programa ng ating gobyerno.