Tuguegarao City- Nakatakdang bigyan ng “arrival honor” ngayong araw ang 5 sa labing isang sundalo na nasawi sa naganap na bakbakan sa pagitan ng grupo ng mga Abusayyaf sa Patikul, Sulu.

Kaugnay nito ay labis ang pakikiramay ng hanay ng kasundaluhan pamilya at kaanak sa mga nasawi dahil sa ipinamalas na kabayanihan upang maglingkod sa bayan.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay MAJ Tnoriel Tayaban, tagapagsalita ng 5th Infantry Division, Philippine Army, 3 sa mga nasawi ay mula sa region 2 habang 2 naman ang mula sa cordillera region.

Kabilang sa mga ito ay sina:

SSGT Jayson Gazzingan- Isabela

-- ADVERTISEMENT --

CPL Ernesto Bautista Jr- Isabela

PFC Jomel Pagulayan- Tuguegarao

CPL Rasul Ao-as- Pasil Kalinga

PFC Benson Bongguic- Apayao

Ayon kay MAJ Tayaban, puspusang nagpapatupad ng security operation at enhance community quarantine ang mga sundalo sa lugar ng atakehin sila ng mga bandidong Abusayyaf.

Magugunitang nito lamang Abril 17 ay naiulat ang naganap na sagupaan ng mga kasundaluhan mula sa hanay ng 21st Infantry Battalion, Philippine Army sa pagitan ng mga makakaliwang grupo sa nabanggit na lugar.