TUGUEGARAO CITY- Hindi na umano magsasampa ng kaso ang pamilya ng 5 years old na lalaki na namatay matapos na ma-hit and run laban sa bumangga sa bata.
Sinabi ni PSSgt. Joyce Conel ng PNP Gattaran, nagkasundo ang pamilya ng bata na si John Patrick Abuan at driver ng pick-up na si Rolando Bongalos, 52 na magbibigay na lang ng financial assistance ang driver.
Una rito, sinabi ni Conel na sa kanilang imbestigasyon, bigla umanong tumawid ang bata sa national highway sa Zone 3, Dummon, Gattaran nang mabangga siya ni Bongalos.
Subalit sa halip na tumigil ang driver ay pinaharurut niya ang kanyang sasakyan at sumuko sa 203rd Manuever Company sa Lallo.
Sinabi ni Conel na sinabi ng driver na natakot siya na tumigil dahil sa nangyari sa kanyang kaibigan na nakabangga din at nang tangka sang tutulungan sana ang kanyang nabangga ay kinuyog at pinasasaksak siya hanggang sa mamatay.
Galing sa Tuguegarao City ang driver at pauwi na sana sa kanilang lugar sa Dummon.
Nabatid na tubong Albay ang driver at naninirahan sa Dummon, Gattaran.