Muling bumalik sa pagsasaka ang 50 na mga dating rebelde at pinamamahalaan na ang kanilang sariling kooperatiba na Sambayanan Cagayan Valley Agricultural Cooperative (SCVAC)matapos silang tulungan ng gobyerno

Ayon kay SCVAC Chairman Mauricio Aguinaldo, layunin ng proyektong ito na makagawa ng mga produktong gawa sa kamote na makatutulong sa kanilang mga pamilya at sa mas malawak na komunidad.

Sinabi pa ni aguinaldo na simple lang naman ang kanilang pangarap na maitaguyod ang kabuhayan ng kanilang pamilya para makapamuhay nang tahimik at may konting ginhawa.

Aniya gusto rin nilang matulungan ang kanilang sarili upang tuluyan ng makalimutan ang kanilang masalimmot na buhay kung kaya’t nagtayo pa sila ng kooperatiba.

Ang nasabing grupo ay naniniwala na kapag natupad ang vision ng kanilang kooperatiba ay makapagbibigay sila ng pangmatagalang kabuhayan at makatutulong sa pag-unlad ng agrikultura sa rehiyon dos.

-- ADVERTISEMENT --

Kamakailan lamang, nakakuha ang SCVAC ng malaking pondong nagkakahalaga ng P8,577,925.00 para sa isang proyekto sa produksyon ng kamote.