
Nakilala at na-crossmatch na ng Philippine National Police o PNP ang 50 sa 71 labi na isinailalim sa forensic identification matapos ang sunog sa M/V June Aster sa Coron, Palawan.
Ayon sa PNP Forensic Group, 21 labi na lamang ang hindi pa nakukumpleto ang proseso ng crossmatching habang nagpapatuloy ang disaster victim identification.
Bukod sa 71 labi, may anim pang nasawi na agad na nakilala matapos ang insidente.
Nasunog ang M/V June Aster noong Setyembre 9 habang naglalayag patungong Coron, Palawan. Umabot sa 77 ang nasawi, walo ang nawawala at 43 ang nakaligtas.
Ayon sa PNP, kapag nakumpleto ang identification process, ipapasa ang resulta sa lokal na pamahalaan para sa pakikipag-ugnayan sa mga kaanak ng mga biktima.
Kabilang umano sa mga nasawi ang isang bata.




