Fifty percent ng Filipino adults sa buong bansa ang nagsabi na dapat na maging option para sa mag-asawa na “irreconcilably separated”.
Ito at batay sa survey na isinagawa ng Social Weather Stations noong buwan ng Marso.
Ipinapakita rin sa nasabing datos na 31 percent ng Filipino adults na isinailalim sa survey ay hindi pabor sa divorce habang 17 percent ang undecided sa nasabing issue.
Makikita rin sa resulta ng survey na mayroon itong net agreement score na +19, na ikinokonsidera na “moderately strong” bagamat ito ay mababa mula sa +27 net agreement score na nakuha ng SWS mula sa kanilang survey noong June 2023 sa legalization ng divorce sa bansa.
Ayon sa SWS, ang net agreement score ay napakalakas sa mga mamamayan na may live-in partners kumpara sa iba pang demographics tulad ng mga walang asawa, mga balo at hiwalay, at mag-asawa.
Pinakatamaas ang score sa Metro Manila, sinundan ng Balance Luzon o Luzon sa labas ng Metro Manila, Visayas, at Mindanao.
Sa relihiyon, sinabi ng SWS na ang net agreement score sa legalization ng divorces sa bansa ay pinakamataas sa Christian denominations na +21; Roman Catholics, +20; at Muslims at +11 habang moderately weak naman sa Iglesia ni Cristo na -10.