Mahigit 500 Pilipino sa Lebanon ang naka-avail ng boluntaryong repatriation sa gitna ng lumalalang hidwaan sa pagitan ng Israeli forces at Hezbollah, ayon sa Department of Migrant Workers (DMW).
Sinabi ni Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac, sa 11, 000 na Filipino sa Lebanon, 500 ang nagpahayag ng kanilang pagnanais na umuwi.
Ayon sa kanya, nasa 350 ang pinoproseso ng Lebanese immigration ang kanilang repatriation, 178 ang nananatili sa mga shelter sa Beirut, at 221 ang nag-book ng ticket para makauwi na hanggang October 28.
Sinabi ni Cacdac, patuloy ang kanilang panghihikayat sa mga Filipino sa Lebanon na mag-avail ng voluntary repatriation bunsod ng lumalalang kaguluhan sa nasabing bansa.