Hinamon ng pamunuan ng 503rd Infantry Brigade, Philippine Army ang Cordillera Peoples Alliance na magsampa ng kaso laban sa mga sundalo na inaakusahan ng pagbabanta bago ang midterm elections.
Tugon ito ni Col. Henry Doyaoen, commanding officer ng 503rd IB sa akusasyon ng pananakot sa mga militanteng grupo.
Sinabi ni Doyaoen na mas mabuting idulog na lamang ng grupo sa pulisya ang reklamo para sa imbestigasyon sa halip na siraan ang hanay ng kasundaluhan.
Dagdag pa ni Doyaoen na masakit para sa kanya na pagbintangan ang kanilang hanay na nagsilbi sa ikatatagumpay ng halalan.