TUGUEGARAO CITY-Mahigit 500 na kambing ang ipinamahagi ng Department of Agriculture (DA)-Region 2 sa mga kwalipikadong magsasaka sa Isabela at Cagayan.
Ayon kay Demetrio Gumiran Jr. ng DA-r02, ito ay sa ilalim ng “Typhoon Tisoy Rehabilitation” program ng ahensya kung saan ito ay para sa mga magsasakang nawalan ng pangkabuhayan dahil sa malawakang pagbaha na naranasan nitong nakalipas na taon.
Aniya, ilan sa mga nakatanggap ng tulong ay mga magsasaka na mula sa bayan ng Abulug, Alcala, Tuao, Claveria, Sanchez Mira at Pamplona sa probinsya ng Cagayan habang sa Isabela naman ay mula sa mga bayan ng Tumauini, Delfin Albano, Benito Soliven, Cabagan at lungsod ng Ilagan.
Ang naturang ayuda ay malaking tulong sa mga magsasaka para makaahon sa gitna ng pandemya na dulot ng covid-19.
Samantala, nakaabang na rin ang iba pang lugar sa rehiyon na mabibigyan ng kaparehong tulong mula sa nasabing ahensya. with reports from Bombo Efren Reyes Jr.