Nagnegatibo sa laboratory test at hindi cocaine ang tila crystalline substance na laman ng floater na natagpuang palutang-lutang sa karagatang sakop ng Sta. Ana, Cagayan.
Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni PCOL. Ariel Quilang, director ng Cagayan Police Provincial Office (CPPO) na batay sa inisyal na pagsusuri ay negatibo sa cocaine o methamphetamine hydrocloride ang white crystalline substance na nakita ng isang kagawad ng Barangay na nakasilid sa isang metrong haba ng kulay blue na floater sa Barangay San Vicente.
Pinabulaanan ng resulta ng laboratory exam na isinagawa ng Regional Crime Laboratory Office ang inisyal na report na cocaine ang laman ng floater.
Gayonman, sinabi ni Quilang na ipapadala ang sample substance sa camp crame para sa karagdagan pang pagsusuri upang matukoy kung anong uri ng kimikal ang laman ng floater.