Naitala ang 52 bagong kaso ng Delta variant sa buong rehiyon dos ngayong araw, Setyembre 13, 2021.
Sa inilabas na datos ng Department of Health (DOH) Region 2, isa ang rehiyon sa may pinakamaraming bilang ng mga naitalang kaso sa bansa.
Batay sa report ng Regional Epidemiology and Surveillance Unit (RESU), pinakamarami sa bilang ay naitala sa lalawigan ng Isabela na may dalawamput dalawang kaso mula Santiago City na may sampu, tig-tatlo sa San Agustin at San Mateo, habang tig-isa naman sa bayan ng Jones, Quezon, Ramon, San Isidro, San Manuel, at Santo Tomas.
Labing-dalawang kaso naman ang naitala sa lalawigan ng Cagayan kung saan 4 sa bayan ng Baggao, tig-tatlo sa bayan ng Iguig at Alcala, at tig-isa naman sa bayan ng Aparri at Tuguegarao City.
Mayroon namang sampung kaso sa lalawigan ng Nueva Vizcaya, kung saan apat dito ay mula sa Bayombong, dalawa sa Aritao at tig-isa sa Bagabag, Dupax Del Norte, Bambang at Kasibu.
Nakapagtala rin ng kaso ang lalawigan ng Quirino mula sa mga bayan ng Aglipay na may dalawa, isa Cabarroguis, tatlo sa Diffun at dalawa sa Maddela.
Ayon sa ahensya, pawang local cases at fully recovered na rin ang mga ito maliban sa dalawang kaso sa Isabela na pumanaw mula sa sakit.
May isa namang returning overseas Filipino worker (ROF) na nagkasakit at gumaling mula sa COVID-19 Delta Variant na residente sa Echague,Isabela.
Patuloy naman ang isinasagawang case finding at contact tracing ng Special Action Team (SAT) ng Regional Epidemiology and Surveillance Unit (RESU).