CPIO

Ilang pasaherong bibiyahe sana papuntang Calayan at Fuga island ang stranded sa Claveria Port dahil sa pagkansela ng biyahe bunsod ng bagyong Kiko.

Ayon kay Provincial Administrator Darwin Sacramed, inihahanda na rin ngayon ang ipapamahaging relief goods sa 58 stranded na pasahero sa bayan ng Claveria.

Samantala, nasa 48 na pamilya, na kinabibilangan ng 124 na indibidwal mula sa limang bayan sa lalawigan ng Cagayan ang inilikas dahil sa banta ng bagyo.

Ipinatupad na rin ang liquor ban sa isla ng Calayan at inabisuhan na rin ang mga residente ng Isla partikular sa Camiguin at Babuyan Claro dahil ito ang mga lugar na tinutumbok ng bagyo batay sa report ng PAGASA.