Limang libong job seekers sa buong bansa ang nagparehistro online para sa kailangang 1,000 hotel housekeeper positions sa bansang Israel.

Sinabi ni Romeo Jaramilla, regional coordinator ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) Region 2 na government to government ang sistema ng aplikasyon kung saan tanging ang ahensiya lamang ang maaaring magparehistro sa mga interesadong aplikante.

Sa ngayon, sinasala na ng POEA ang mga kwalipikadong aplikante upang maipadala na ang mga manggagawa sa naturang bansa.
Nasa P75,000 naman ang katumbas na sahod ng mga ito.

Kasabay nito, nagbabala ang poea laban sa mga naglipanang site sa social media na nag-aalok ng trabaho sa ibang bansa para hindi mabiktima ng illegal recruitment.