Nakiisa ang pamunuan ng 5th Infantry Division, Philippine Army sa panawagang tuldukan na ang “hazing” sa Philippine Military Academy.

Sa panayam ng Bombo Radyo, kinondena at tinawag na “barbaric” ni Maj. Noriel Tayaban, tagapagsalita ng 5th ID ang pagkamatay ni Cadet 4th Class Darwin Dormitorio.

Kasunod ng pakikiramay, sinabi ni Tayaban na nararapat lamang na bigyan ng hustisya at panagutin ang ilang upperclassmen o mga nakakatandang kadete na sangkot sa pagpapahirap kay Dormitorio.

Matatandaang, kinumpirma ng PNP na namatay dahil sa hazing si Dormitorio sa loob ng PMA barracks sa Fort del Pilar sa Baguio noong Setyembre 18.