TUGUEGARAO CITY-Hinikayat ng 5th Infantry Division Philippine Army ang mga kabataan na makibahagi sa entrance examination ng Philippine Military Academy na nagsimula ngayong araw, Setyembre 09,2020 sa Gamu, Isabela.
Ayon kay Major Noriel Tayaban, tagapagsalita ng 5th ID PA, magandang oportunidad ito para sa mga kabataan na nais maglingkod para sa kapayapaan at katahimikan ng bayan.
Kaugnay nito, sinabi ni Tayaban na magdala lamang ng medical certificate na kinuha within 48 hanggang 72 hours, health declaration form, kopya ng Philippine Statistics Authority (PSA)birth certificate, latest na grado, dalawang piraso ng 2X2 pictures, dalawang lapis, valid I.D at face mask, face shield maging ang personal na alcohol ang mga aplikante.
Aniya, matatapos ang naturang examination sa head quarter ng 5th Infantry division sa Setyembre 12, 2020.
Ngunit,magkakaroon din ng naturang kaparehong pagsusulit sa Bayombong, Nueva Vizcaya partikular sa Nueva Vizcaya State University sa ika-16 hanggang 19 ng Setyembre.
Kung hindi makakahabol,may gagawin ding examination dito sa lungsod ng Tuguegarao sa ika- 23 hanggang 26 ngayong buwan na gaganapin sa Cagayan Coliseum o Mamba Gymnasium.