
Nasa 6 na libong personnel ng Philippine National Police (PNP) ang inaasahang ide-deploy sa paligid ng Senado para sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa Lunes.
Ayon kay PNP PIO Chief PCol. Allen Rae Co, nakalatag na ang comprehensive security plan ng PNP para sa nasabing aktibidad.
Aniya, ngayong hapon ay magsasagawa ng conference ang lahat ng units ng pulisya para sa pinal na security plan.
Kaugnay nito, ayon pa kay Co, wala pang natatanggap na request ang PNP mula sa Senado para sa deployment ng mga PNP personnel sa loob naman ng Senado.
Dagdag pa ni Co, pag-aaralan naman sa Lunes kung magtataas ng alerto ang PNP sa nasabing impeachment trial.
-- ADVERTISEMENT --










