Tuguegarao City- Nakatakdang sampahan ng kaso ngayong araw (Abril 28) ang anim na kataong kinabibilangan ng apat na Social Amelioration Program (SAP) at isang 4Ps beneficiaries matapos mahuling nagsusugal sa bayan ng Sto. Niño, Cagayan.

Kinilala ang mga suspek na sina Jeka Arica, 4Ps member, Felipa Manuel, Lorna Dela Cruz, Sheryl Ramirez, JR Ariola, mga SAP beneficiaries at si Daniel Versola pawang mga residente ng Brgy. Masikal sa nasabing bayan.

Ayon kay PCAT. Ranulfo Gabatin, ipinagbigay alam ng isang concerned citizen sa tanggapan ng PNP Sto. Niño ang iligal na pagsusgal ng mga suspek.

Agad aniya nila itong nirespondehan at huli sa aktong ang anim na suspek kung saan nakuha sa kanila ang isang set ng baraha at bet money na nagkakahalaga ng P586.00.

Agad namang hinuli ang mga suspek at ngayon ay nahaharap sa kasong paglabag sa PD 1602 o Anti-Gambling Law at RA 11332 o sa umiiral na Enhanced Community Quarantine.

-- ADVERTISEMENT --