Nasawi ang anim na katao habang labing-isa ang sugatan sa malaking sunog na sumiklab sa isang shopping mall sa downtown ng Karachi sa Pakistan.

Nitong Linggo ay patuloy na sinisikap ng mga bumbero na apulahin ang sunog.

Nagsimula ang sunog noong Sabado ng gabi, at natanggap ng rescue services ang tawag bandang 10:38 ng gabi (1738 GMT) na nagsasabing nasusunog ang mga tindahan sa ground floor ng Gul Plaza.

Ayon kay Hassanul Haseeb Khan, tagapagsalita ng Rescue 1122, pagdating nila ay kumalat na ang apoy mula sa ground floor hanggang sa itaas na palapag at halos buong gusali ay nagliyab na.

Bunsod ng malawakang pinsala, nagpapatupad na ang pulisya ng “mass disaster protocols.”

-- ADVERTISEMENT --

Nangangamba rin ang mga rescue officials na baka tuluyang bumagsak ang buong istruktura.