TUGUEGARAO CITY-Narekober na ng mga otoridad ang isang 60-anyos na lalaki matapos mapaulat na nawawala sa kasagsagan ng baha sa bayan ng Sanchez Mira, Cagayan.

Nahanap ang bangkay ng biktima na sa Artemio Bumiltac, 60 anyos ng Brgy. Santiago sa tulong ng Marine Battalion Landing Team-10, Rescue 18, Sanchez Mira at mga residente sa lugar.

Una rito, kinuha umano ng biktima ang kanyang alagang baka sa kasagsagan ng ulan at hindi na ito nakabalik sa kanilang tahanan.

Posible namang tinangay ng malakas na agos ng tubig ang biktima na sanhi ng kanyang pagkalunod.

Sa ngayon, patuloy ang pagbibigay ng babala ng mga otoridad sa publiko na iwasan munang magtungo sa ilog dahil malakas ang agos nito para maiwasan ang anumang insidente.

-- ADVERTISEMENT --